Bloated na pakiramdam
Nakararamdam ng bloating kapag ang tiyan ay lumalaki na madalas pagkatapos kumain. Bibihira na maging senyales ito ng seryosong medical na kondisyon, pero puwedeng dahilan ng sakit at discomfort.
Ang bloating ay apektado ang maraming tao na dapat sisihin ay ang maling diet. Tulad ng pagkain ng beans na puwedeng puno ng protein, carbohydrate, fiber, vitamins, at mineral. Pero ang beans ay may mataas na fiber content na naglalaman ng oligosaccharides na mahirap i-break ang sugar sa katawan. Puwedeng ibabad muna ang beans bago lutuin para mabawasan ang sobrang gas nito na nagpapahirap sa pagtunaw sa digestion.
Para mawala ang bloating ay kumain din ng saging araw-araw. Ang saging ay naglalaman ng potassium na nakatutulong na mawala ang bloating. Kapag mababa ang potassium ang katawan ay naiiwan ang extra sodium na nagpapanatili sa tubig. May ibang pagkain na mayaman sa potassium na makatutulong na maibsan ang paninigas ng tiyan. Gaya ng kamatis, mushrooms, mabeberdeng gulay, maging ang isda gaya ng salmon.
Mainam din na i-check ang label para malaman kung may bifidobacteria gaya ng yogurt na nagpapababa ng bloating na pakiramdam.
- Latest