Malinaw na goal setting
Naisip mo ba kung ano ang gustong gawin pagkatapos ng limang taon? Malinaw ba ang iyong main objectives? Kung gustong magtagumpay, kailangang mag-set ng goals.
Kung walang goals ay walang pokus at direksyon na para ka lang sumusuntok sa hangin.
Ang goals setting ay hindi lamang magkaroon ng direksyon ang buhay, kundi mayroong target na maging determinado hanggang magtagumpay.
Kung ang goal ay makapag-ipon ng pera, disiplinahin ang sarili na magtipid. Kasya maging gastador at walang pagpipigil sa sarili sa pagsugod kapag may narinig na sales.
Upang makuha ang inaasahan, kailangang simulan ang iyong goals. Isulat sa notebook, pati ang date, tactics, at ilang taon ang goals.
Puwedeng simpleng sabihin kung ano ang gustong gawin at ano ang ini-expect. Ang goal setting ay proseso na maraming dapat na isipin na konsiderasyon sa dadaanan.
Ang susi sa anomang pangarap ay sipag, determinasyon, at hindi pagsuko. Maaaring mabigo at mapagod, ang maganda ay laging puwedeng bumangon at matuto sa iyong mga pagkakamali.
Maging specific sa iyong goals na malapit sa katotohanan upang magkaroon ng formula kung ano ang gagawin upang matupad ang pangarap.
- Latest