Disiplina sa iyong savings program
Importanteng hakbang sa pagkakaroon ng disiplina sa pag-manage ng pera ay ang pagtatabi ng funds para sa regular na savings. Kunin na ang notebook at ilista ang mga gastusin at bayarin sa bahay, college education, bakasyon, at retirement.
Mapipilitan na gagalawin lamang ang cash na hawak at maiwasan na mangutang na hindi wise gawin. Masosorpresa kung magkano ang maiipon sa simpleng disiplina ng iyong savings program.
Huwag magpaplano ng savings pagkatapos mong gumastos dahil sa karanasan ng ibang tao na sumubok ay hindi naman nagtagumpay. Paano ka magpaplano kung nalustay mo na ang pera? Sa halip ay magdesisyon agad kung paano hahatiin ang iyong budget mula sa iyong sahod. Puwede rin magbago ang gastusin dahil sa iba’t ibang stages ng buhay.
Lahat ng financial planner ay magsasabi sa iyo na kung maaga ang gagawing pag-iipon ay mas malaki ang iyong savings, kaya simulan na ngayon.
Ang isyu ng savings ay nakasalalay sa balanseng pananaw. Ayon sa Bible, kailangan nating mag-save, pero walang sinabi kung gaano kalaki o kaliit. Ang layunin ng savings ay para paghandaan ang future na pangangailangan. Hindi lamang sa iyong sarili, kundi para sa proteksyon ng mahal sa buhay.
- Latest