^

Para Malibang

Pagod na damdamin

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang kapaguran emotionally ay puwedeng dahilan ng physical at emotional na demand na apektado ang behavior ng tao. Ang sintomas ay puwedeng mag-build up kahit overtime sa paulit-ulit na stress na maaaring hindi agad namamalayan ng indibidwal ang mga warnings.

Sa nararanasang emotional exhaustion ay apektado rin ang mood at mental health. Pansin agad ang pagiging negatibo, nawawalan ng motivation sa trabaho, ayaw makipaghalubilo, kahit ang simpleng task ay ayaw gawin. Mas lumalakas ang negatibong pag-uugali kung ang indibidwal ay feeling na nakukulong sa isang stressful na sitwasyon at kaya diskonektado sa iba.

Apektado rin ang pag-iisip at memory na nagkakaroon ng “brain fog”. Yung nalilito, hindi makapag-concentrate, makakalimutin, kulang sa imagination, at nawawalan ng memory. Ang burnout ay dahilan para mawala ang pokus na mag-function sa pagpaplano, pag-organize, at walang atensyon. Ang cognitive ay nagbabago na nahahamon ang tao na balansehin ang pressure at emotional na demand ng kanyang task.

Sa stressful na pagkakataon, malaking hamon na mapanatili na magkaroon nang sapat na tulog. Ang emotional exhaustion ay nakararamdam ng pagod physically na puwedeng nahihirapang matulog sa buong magdamag. Kund hindi man ay tinatanghali na ang gi­sing sa umaga. Kung wala sa mood at lutang ang isipan ay nahihirapan na bumangon sa kanyang higaan.

Ang taong nakararanas ng anxiety, depression, at nananakit ng sarili ay dapat humingi ng tulong sa doktor at therapist hangga’t maaari. Para mabawasan ang emotional exhaustion at burnout, kailangang baguhin ang lifestyle na puwedeng magkaroon ng therapy o medications.

DAMDAMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with