^

Para Malibang

Malunggay panlaban sa stress

BURP - Koko - Pang-masa

Samu’t sari na ang mga pagkaing may sangkap na malunggay. Hindi na nga lang ito basta makakain bilang ulam dahil mayroon na ring malunggay pandesal at malunggay noodles. Ang malunggay ay sagana sa calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at mabisang paraan sa paglaban sa osteoporosis. Hitik din ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo.

Mataas din ang protein, potassium, vitamin A, at vitamin C ng wonder gulay na ito.

Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants na sinasabing panlaban sa stress na dahilan kung bakit nagmumukhang mas matanda ang isang tao.

Sinasabing mabisa ito sa mga taong nakararanas ng sakit ng ulo at migraine.

Napatunayan na rin sa ilang pag-aaral na ginagawa nitong normal ang blood sugar kaya epektibo rin itong panlaban sa diabetes.  May properties din ang gulay na ito na labanan ang bulate sa mga bata at pagkakaroon ng hika.

Para naman sa mahihilig kumain ng junk food at iba pang maaalat na pagkain, hindi pa naman huli ang lahat dahil nakatutulong din ang malunggay para alisin ang mga toxin sa ating katawan. Kaya’t ano pa ang hinihintay n’yo, maghanda na ng tinolang may malunggay. Burp!

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with