Dahilan ng burnout
Ang burnout ay madalas mula sa pagkabagot sa trabaho. Pero kahit sino ay puwedeng makaramdam ng overwork o feeling na walang value na parehong risk para ma-burnout.
Hindi lamang ang mga hardworking na empleyado sa opisina na hindi nakakatikim ng bakasyon ng ilang taon ang nabu-burnout, kundi maging ang mga stay-at-home na nanay na ang laging inaasikaso ay ang mga anak, gawaing bahay, at pati ang tumatandang magulang.
Pero ang burnout ay hindi palagiang dahilan ng stressful na trabaho, pati na rin ang mga maraming responsibilidad na hinahawakan. Ang ibang nagpapadagdag ng burnout ay ang lifestyle at personality traits.
Katunayan, kung ano ang karaniwang ginagawa at paano tingnan ang mundong ginagalawan ay puwedeng maging malaking role ng sobrang stress at pressure ang dating sa indibidwal na katulad din ng demand mula sa bahay o opisina man.
- Latest