Nakalululang Assignment ng Anak
Ang bata ay maaaring ma-overwhelm at kailangang mag-focus sa maliliit na hakbang para ma-achieve nito ang goals, kaysa sa inaasahang big result. Ang isang dahilan kung bakit hindi motivated ang bata ay masyadong napi-pressure sa maramihang assignment o pag-aaral.
Mas lalong mahihirapan na magtagumpay ang bata na hindi matapos ang kanyang ginagawa. Ikaw ba naman ang bigyan ng maraming pages na homework. Imbes na ma-excite ang estudyante ay nalulula sa rami ng kanyang dapat na tapusin.
Sa halip ay magkaroon ng maliit na listahan o record para sa pag-set nito ng goal para ma-check ng anak kung ilan na ang natatapos niya. Imbes na pilitin ang anak na mag-aral ng ilang oras o magpuyat. Kundi turuan ang anak kung ilang pages ang goals sa homework nito. Sa halip ay isulat ang number ng pages, oras ng kanyang breaks, at kung hanggang kailan siya dapat magtrabaho.
Para ma-manage ng anak ang kanyang oras. Puwedeng i-cross out o i-check ang kanyang goals sa bawat natatapos nito. Dahil kung hahatiin ang kanyang pag-aaral tuwing 10 - 15 minutes at ibang activities ay nakakahinga ang anak na hindi namamalayan na natatapos na pala niya ang kanyang assignments.
- Latest