Epekto ng burnout
Ang burnout ay estado ng emotional, physical, at mental exhaustion dahilan ng sobra at mahabang stress. Kapag nakaramdam na sobrang kalungkutan, ma-drain emotionally, at hindi matugunan ang patuloy na demands.
Kapag nagpatuloy pa ang stress ay nagsisimula nang mawalan ng interest at wala na rin motivation na maghahatak na papunta sana sa isang magandang role at direksyon.
Pero dahil sa pagka-burnout ay nabawasan ang productivity na nagpapatuyo rin ng iyong energy kung kaya ang feeling ay helpless, walang pag-asa, nauumay na, at nababagot na sa sitwasyon. Feeling mo rin na wala nang natitirang lakas para sa iyo na dahilan kung bakit wala ka na rin maibigay.
Ang negatibong epekto ng burnout ay nasosobrahan ang ilang parte ng iyong buhay. Kasama na ang demand sa bahay, trabaho, at pati social life. Ang burnout ang puwedeng dahilan ng long-term na pagbabago sa iyong katawan na kung kaya nagiging vulnerable hanggang maging sakitin tulad ng sipon at lagnat. Dahilan sa maraming negatibong nararanasan ay importante ma-deal ang sitwasyon upang mawala agad ang burnout.
- Latest