Traumatic Stress
Ang pagharap sa trauma mula sa natural na disaster sa kasalukuyan ay isang malaking hamon kahit pa hindi ka direktahang kasama sa nangyari.
Katunayan marami sa atin ang hindi direktang biktima mula sa pag-atake ng terorista, pag-crash ng eroplano, patayan, bombahan, at ibang nakakatakot na imahe na nai-expose sa social media at balita.
Ang makita o mapanood lamang ang mga nakakagimbal na sitwasyon ay nagdudulot na ng takot sa ating nervous system na naglilika ng traumatic stress.
Ang traumatic stress ay normal na reaction sa isang event mula sa natural na sakuna, aksidente sa motor, sasakyan, at bayolenteng krimen. Hindi lang ang mga survivor ang apektado kundi maging ang mga naka-witness sa nangyari. Ang sense of security ay nabubulabog kung kaya nagiging vulnerable at feeling na walang magawa.
Kailangan lamang na makabawi na balansihin ang emosyonal na aspeto. I-share ang nakita o napanood na makatutulong kung mai-express ang sarili na ikuwento ang nangyari upang lumuwag ang pakiramdam.
- Latest