Tradisyonal na Pagpapatutuli
Ang pagtutuli ay isa sa lumang karaniwang surgical procedure. Ang circumcision ay tradisyonal na ginagawa bilang marka ng pagkakakilanlan ng kultura o religious groups.
Sa bansang ‘Pinas bilang bakasyon ang mga nagbibinata o bago tumungtong ng high school ang lalaki ay pinatutuli na ng mga magulang. Uso pa rin sa mga probinsya ang ‘di pokpok habang nanguya ng dahon ng bayabas sabay talon sa ilog. Pero mas uso na ngayon ang procedure mula sa mga operation tuli ng mga doktor sa mga barangay. Pero may ilang traditional na seremonyas bago matuli ang mga lalaki na inuugnay sa kinabibilangan nilang relihiyon o kultura. Katulad ng mga karamihang Muslim na lalaki ay tinutuli ang mga boys sa edad sa pagitan ng kanilang pagkapanganak o pagbibinata. Ang Jewish na sanggol ay tradisyonal na tinutuli pagkalipas ng walong araw.
Ang male circumcision ay ginagawa sa adolescent o young adult bilang hudyat ng transition mula sa boyhood patungo sa manhood. Ang traditional na circumcision ay may seremonyas sa mga boys ng mga men na tinuturuan ng mga responsibilidad at duties ng isang adult sa isang community.
Katulad sa Uganda, ang 19-year-old na lalaki ay nakatayo nakatalikod sa mga tao. Ang traditional na surgeon ay may hawak na 12-cetimetre na blade. Hindi tinitingnan ng binata ang blade kundi sa malayo. Nakaabang ang mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay sa paligid sa ritual na pagtutuli. Hihiwaiin ang foreskin nito na walang anaesthetic habang sumisigaw ang crowd. Kailangang tiisin ng binatilyo ang sakit na hindi umiiyak, manghihina, o mahimatay. Dahil bilang kasapi ng kanilang tribo ay hindi dapat nagpapakita ng anomang kahinaan.
- Latest