^

Para Malibang

Babae nawalan ng memorya dahil sa matinding pagdumi!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ang pagbabawas araw-araw ay nakakatulong sa ating katawan, ibig sabihin lamang nito ay mabilis ang ating metabolismo, pero kakaiba ang nangyari sa isang babae sa China na nasobrahan diumano sa pagdumi na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang memorya sa nakalipas na 10 taon ng kanyang buhay.

Ayon sa anak ng hindi na pinangalanang babae, dalawang linggo na raw na nakakaranas ng constipation ang kanyang ina, at hindi na raw ito maganda sa pakiramdam. Labas-masok daw ito sa banyo, at nang huling pasok niya raw dito, paglabas niya ay bigla siyang nagkaroon ng amnesia.

Walong oras daw ang itinagal bago ito makaalala at bumalik sa normal.

Agad na dinala sa ospital ang babae para malaman kung ano ang naging dahilan ng panandalian nitong amnesia, pero sinabi ng mga doktor na normal namang nagpa-function ang utak nito.

Nang bumalik ang kanyang memorya, ang pagkakaroon niya ng temporary amnesia naman ang hindi niya maalala.

Malaking tanong para sa kanyang pamilya kung ano ang nangyari, hanggang sa ipinaliwanag ng isang neurosurgeon ang naging sanhi nito.

Ang pag-ire raw nito ng may puwersa ang siyang dahilan para magkaroon siya ng pressure sa abdominal at intra-cerebral, na siyang sanhi naman para mawalan ng hangin ang kanyang utak, na nagreresulta ng a short-term memory loss.

Madalas din daw itong mangyari sa mga taong madalas at mahilig magbuhat ng mabibigat.

Ipinapayo ng mga doktor na ugaliing magpatingin ang mga may ganitong karanasan, mag-ehersisyo at kumain ng masusustansyang pagkain.

PAGDUMI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with