Pagpapa-repair ng kisame at bubong
Ang bubong ang pinakaimportante pagdating sa pagprotekta sa bahay mula sa mga mapanganib na elemento kasama na ang ulan.
Ito rin ang parte ng bahay na mas mahal ang pagpapa-repair depende sa materyales at bayad sa labor. Para maiwasan ang sobrang gastos sa kisame ay siguraduhing i-check ito dalawang beses sa isang taon.
Mahal ang pagpapagawa pero mas mura kung member ng pamilya ang magkukumpuni.
Siguraduhin na walang tulo ang kisame o bubong ng bahay. Gumamit ng malakas na adhesives upang matapalan ang mga butas.
Kadalasan ay metal ang bubong na madaling ma-locate ang tulo. Worthy na ayusin ang leak bago pa dumating ang tag-ulan upang masigurado na maayos ang bubong kaysa sa ipa-repair pa ito.
- Latest