Natutukso sa bargain at for sale
Sa pagiging matipid sa pera hindi ibig sabihin ay iiwasan ang pagliliwaliw sa buhay. Kailangan lamang i-trim down ang mga expenses na siyempre may kasamang pagtitiyaga at pagpaplano.
Mas masinop sa kaperahan ay mas nakapag-iipon ng pera sa oras ng emergency at ibang binabalak na bilhin sa hinaharap.
Katulad ng pagsugod sa mga sales sa mga mall na basta makikigulo ng pagbili sa mga bargain na items. Natutukso sa mga gamit na bumili dahil nga sa mura. Pero pagdating sa bahay ay nakatengga lamang ang gamit dahil hindi pa naman kailangan.
Bumibili rin ng mas murang sapatos, payong, at ibang gamit pero madali namang masira. Ang tendency ay hindi pa natatapos ang ilang buwan o taon ay bibili ka agad. Nakatipid ka nga ba talaga sa mas mura? O mas napapamahal dahil napapalaki ang gastos sa inaakalang sales na items. Maging wais na mag-isip bago mag-purchase ng items o gamit.
- Latest