Pagkain Bilang Coping Mechanism
Maraming kadahilan kung bakit kailangan nating kumain higit pa sa metabolic na needs ng katawan. Ang pagkain ang isa isang coping mechanism ng mga tao. Kailangan lamang ng ibang healthier na paraan upang malampasan ang pinagdadaan sa sarili.
Stress eating – Sa halip na maghanap ng comfort food kapag stress ay ibaling sa meditation, yoga, maglakad sa labas, o mag-practice ng breating exercises.
Emotional eating – Kapag malungkot o depress na kadalasan ay naghahanap ng mangangata. Dapat ay gumamit ng life line na mag-call a friend, kausapin ang therapist, o magsulat sa iyong journal.
Reward – Madalas binibigyan ng awards ang sarili ng pagkain. Mag-isip ng ibang bagay kapag may na-accomplish maliban sa pagkain.
Social reasons – Lahat ng gatherings ay nakasentro sa kainan. Magpokus sa tao sa halip na sa pagkain.
Boredom – Yung habang nanood ng TV ay kumakain ng hindi healthy. Sa halip ay puwedeng magsulat ng thank you note, magbasa ng libro, o maglakad.
Galit – Napapakain dahil sa galit na typical na nakokonsensya pagkatapos sa halip ay ibaling ang pagkadismaya sa mas positibong paraan.
Maghanap ng ibang pagkakawilihan kaysa sa pleasure na pagkain. Ang pagkain din ay ginagawang pamalit sa love. Sa halip ay unahin ang love kaysa sa food.
- Latest