‘Baryo ng mga aswang’
Sinasabing ang Kaybiang Tunnel daw ang pinakamahabang road tunnel sa buong Pilipinas, nagkokonekta raw ito sa Ternate, Cavite papuntang Nasugbu, Batangas, at meron itong haba na 300 metro.
‘Pag nakalagpas ka na sa nasabing tunnel, bubungad sayo ang magagandang isla ng Limbones, Carabao, at El Fraile. Taong 2013 daw ng ito ay itayo.
Mga grupo ng mga nakamotor o bikers ang madalas na makikitang dumadaan dito, ginawa kasi itong shortcut para sa Tagaytay at Batangas.
Sa tuwing dumadaan daw ang ilan sa mga motorista rito, palagi silang nakararamdam ng kakaiba na para bang may nakatitig sa kanila.
May isang kuwentong kumalat noon kung saan nagka-ayaan daw ang isang magbabarkada na dumaan sa Kaybiang Tunnel, balita raw kasi nila, pag nakalabas ka sa kabilang dulo nito na patungo sa Batangas, mapupunta ka sa lugar ng mga aswang.
Kakaiba raw ang mga taong nakatira dito, masama raw sila kung tumitig. Nang gabihin daw ang magbabarkada, sinubukan nilang ikutin ang lugar. May liwanag pa naman daw pero wala nang tao sa paligid. Nakiinom sila sa isang bahay pero imbes na sila ay bigyan ng tubig, galit na matandang may pulang mata raw ang humabol sa kanila.
Nilagnat ang isa sa mga kaibigan nila pagkatapos ng insidente, at palagi raw itong may nakikitang sumusunod sa kanya.
Sa tulong ng albularyo, napaalis na ang gumagambala sa kanya at sinabihang ‘wag na silang babalik pa sa lugar na iyon.
- Latest