Pinakamatandang tao sa buong mundo, pumanaw sa edad na 146
Pumanaw na ang isang lalaki sa Indonesia sa edad na 146 at sinasabing siya ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo.
Ayon sa kanyang mga papeles, si Sodimedjo o mas kilala sa tawag na Mbah Ghoto (grandpa Ghoto), ipinanganak siya noong December 1870. Pero ang Indonesia ay nagsimula lamang na mag-record ng mga kapanganakan noong taong 1900.
Ayon naman sa source, ang kanyang mga dokumento na ipinakita ay valid.
Dinala si Mbah Ghoto sa ospital noong April 12 dahil sa panghihina ng resistensya, anim na araw matapos ma-confine, nagpa-uwi na ito sa kanilang tahanan.
“Since he came back from the hospital, he only ate spoonfuls of porridge and drank very little,” pagkukuwento ng kanyang apo na si Suyanto sa isang panayam.
“It only lasted a couple of days. From that moment on to his death, he refused to eat and drink.”
Nang tanungin si Mbah Ghoto kung ano ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng mahabang buhay, sinabi nito na pasensya ang susi, at kaya rin daw siya nagtagal ay dahil sa mga taong nagmamahal sa kanya. Isang heavy smoker si Mbah Ghoto, nagkaroon siya ng apat na asawa, meron siyang sampung kapatid at mga anak.
Sikat siya sa kanilang bayan dahil sa pagkukuwento ng mga magagandang istorya tungkol sa Japan at Dutch colonisers.
Inilibing si Mbah Ghoto sa isang libingan na matagal na nilang binili para sa kanya.
“He didn’t ask much. Before he died, he just wanted us, his family, to let him go,” pagtatapos ni Suyanto.
- Latest