Respeto ng anak sa kalikasan
Turuan ang mga anak na respetuhin ang kalikasan. Kapag may nahulog nang hindi sinasadya ay siguraduhin na pulutin ito. Kapag nakita ang lumang newspaper o gamit na coffee cup sa upuan ay kunin ito at itapon agad sa tamang basurahan.
Masarap ang pakiramdam na nililinis ang paligid bilang pagpapahalaga sa kalikasan.
Sa murang edad ng anak ay puwede nang ituro ang konsepto ng pag-recyle. Hayaan ang anak na kunin ang walang laman na lata o bote na puwedeng dalhin sa recycling center na maaari pang kumita ang bata. Puwede rin hamunin ang anak na maghulog ng barya sa mga donation jar kung napapadaan sa checkout ng supermarket.
- Latest