Aswang at ang kanilang uri...
Illustrations by Julius Arboleda
Isa ang Aswang sa mga kilalang nilalang sa ating Philippine mythology.
Ayon sa mga matatanda, magaling daw itong magbago ng anyo at manggaya. Ang iba ay marunong lumipad, habang ang iba naman ay hindi.
Ayon sa research ng The Spirits of the Philippine Archipelago, narito ang ilan sa mga uri ng pinaniniwalaan nilang aswang:
Ang Yanggaw o Bagong Yanggaw ang tawag sa mga bagong aswang, habang Kalibonan naman ang tawag sa mga matatandang aswang ng kanilang uri.
Kiwig ang uri ng aswang na nabubuhay bilang isang normal na tao sa umaga at nagiging aso, baboy ramo, o malaking pusa sa gabi.
Mambababoy naman ang tawag sa mga aswang na baboy lamang ang kinakain.
Ang Mandarangkal naman ay nang-aakit ng kalalakihan para gawing biktima.
Mahahabang buhok naman ang gamit ng Kubot upang patayin ang kanyang biktima.
Ang mga Aswang na Gala ay naghahanap ng mga taong may sakit upang ito ang kanilang kainin.
Ang Agalon Hayopan naman ay uri ng aswang na gumagamit ng mga buwaya upang mag-hunt ng mga tao, habang ang Tigabulak ay nangunguha ng mga bata at saka isisilid sa sako na nasa kanilang likod.
Ilan lamang yan sa kanilang nakalap at marami pa tayong hindi alam sa kanilang mundo, hindi natin namamalayan, maaaring ang iba sa mga nakakasalamuha natin ay isa pala sa mga nabanggit.
- Latest