Pating mas nauna sa mundo kesa sa mga dinosaur?!
• May isang isla sa Brazil kung saan mahigpit na ipinagbabawal na pumunta ang mga tao dahil mayroong limang ahas sa bawat square meter nito.
• Tinatantayang 80% ng mga hayop sa mundo ay insekto.
• Limang milyong itlog ang ipinapanganak ng Mola Mola o ocean sunfish sa isang itlugan lamang.
• Ang Brazillian Wandering spider ang pinakamakamandag na gagamba sa buong mundo.
• Tigon ang tawag sa anak ng male tiger at female lion samantalang liger naman ang sa male lion at female tiger.
• Pod ang tawag sa grupo ng mga whales.
• Pinaniniwalaang mas nauna pa sa mundo ang mga pating kesa sa dinosaurs.
• Hanggang 100 taon ang itinatagal ng buhay ng alligators.
• Ang garden caterpillar ay mayroong 248 muscles sa ulo.
• Mas malaki ang tainga ng African elephants kesa sa Indian elephants.
• Ang Chinese soft shelled turtle ang unang hayop na naidokumentaryo na umiihi sa kanyang bibig.
- Latest