Recipe ng tamang mindset sa buhay
Mayroon ding recipe para sa healthy na pangangatawan. Kailangan lamang ng tamang mindset at attitude upang gumanda ang pangangatawan at performance sa trabaho.
Magkaroon ng oras sa ehersisyo na 45 minutes sa araw-araw. Kumain ng mataas sa protein at iwasan ang mga junk food at mga nagpapa-trigger na pagkain.
Ang nutrition at pagiging healthy ay inuugnay sa pagpili ng masustansyang pagkain na ang resulta ay maging maayos ang pag-iisip. Ito ay upang magkaroon ng layunin sa pagbangon bawat araw at ibigay ang best sa mga dapat gagawin.
Ang pagkakaroon ng magandang habits ay nagpo-promote ng tamang awareness para magkaroon ng atensyon sa mga nangyayari sa paligid at maprotektahan ang sarili.
Upang magkaroon ng kontrol na hindi bumigat ang timbang, bumaba ang stress at pagkadismaya. Maiwasan ang maling desisyon bago pa mangyari at nang hindi makonsensya.
Para mailabas ang best sa iyong sarili. Kung healthy ang mindset ay makokontrol din ang kalusugan, nutrition, at transformation ng ating katawan.
- Latest