Beach na walang buhangin
Nang pumutok diumano ang Mt. Iraya kung saan nagkalat ang andesite rocks sa halos kalahati ng Bataan sa Norte. Ang Batan noon ay Basco na ngayon kung tawagin at matatagpuan ito sa Batanes.
Ang malalakas na hangin at naglalakihang alon ang humubog sa mga matitigas na batong nagkalat mula sa sumabog na bulkan, kaya naman lalo itong gumanda sa paglipas ng panahon.
Ang resulta, isang napakagandang beach na kung tawagin na ngayon ay Valugan.
Ang ibig sabihin ng Valugan ay “east” sa Ivatan Language. Pinupuno ng naglalakihang bato ang Batan Island, imbes na buhangin. Karaniwang buhangin kasi ang makikita sa mga karagatan, pero ang isang ito ay halos puro malalaking bato lamang kahit saan mo idako ang iyong paningin.
Ganunpaman, kahit na ito ay beach kung tawagin, walang puwedeng maligo rito dahil sa sobrang lakas ng alon.
Ang sinumang magtangka ay tiyak na hahampas lamang sa mga batong nakapaligid.
Dinarayo lamang ang Valugan dahil sa angking kagandahan nito, maraming photographer ang nagpupunta rito upang abangan at kunan ng litrato ang paglubog ng araw.
- Latest