^

Para Malibang

Lunas sa Sunburn

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ngayong lalong umiinit ang summer at isa sa kinakaharap na problema ng mahihilig sa beach ay ang sunburn.

Nauna nang naisulat sa column nito ang pagiging epektibo ng suka (apple cider vinegar) sa antioxidants na panlaban sa free radicals maging sa bacterial at fungal infections.

Nare-restore rin ang pH level sa ating balat sa tulong ng suka.

Normally, natutuyo ang suka sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. Agad na mararamdaman ang cooling at relaxing sensation pagkatapos nito.

Isa pa sa masasabing effective na pampagaling sa sunburn ay ang aloe vera. Katunayan, tinatawag din ito bilang “burn plant” dahil sa kakayahan nitong makapagpagaling ng malalang sunburn.

Ayon sa ilang pag-aaral, napatunayan nang napabibilis nito ang paggaling ng sunburn. Dagdag pa rito, napalalambot nito ang kutis kaya mababawasan ang pagbabalat ng balat.

Maaaring gamitin ang fresh aloe vera gel o kaya naman ay bumili ng organic aloe vera oil at ipahid nang direkta sa balat.

SUNBURN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with