Senyales na waldas sa pera
Kapag hindi alam kung saan napupunta ang iyong pera, ito ay masamang senyales na hindi ka marunong humawak ng iyong kinikita.
Ayon sa mga experts, kung laging may dahilan kung bakit hindi ka nakakaipon ng pera para sa savings ay bad sign na ikaw ay waldas na indibidwal. Tapos baon ka pa sa utang, lalo na kung gamit pa ang credit card na hindi rin makabayaad. Ito ay pamilyar na kuwento ng mga taong mayroon bad habits pagdating sa paglustay ng perang sinasahod. Isang dahilan ay pagkakaroon ng bad money behavior ng mga tao ay dahil na rin sa mga bad habits.
Ang BMB ay mga pagkakataon na puwede pang mabago sa pagkakaroon ng wise na desisyon. Pero kailangang may effort na baguhin ang iyong money habits. Tulad ng kung hindi naglalaan ng oras upang tingnan ang finances at mag-isip kung saan gagastusin ang pera, tiyak na mayroon kang bad money behavior.
Bago pa dapat ang suweldo ay nakalista na ang mga babayaran at kailangang bilhin upang makita na agad ang kabuuang budget mula sa iyong sahod.
Kapag walang listahan, ang tendency ay puro dukot na lang sa bulsa na bayad dun bayad dito, pero hindi mo nati-trace ang gastusin. Ang resulta ay nakaliligtaan ang priority na dapat bayaran. Upang ma-manage ang iyong pera at makapatabi ng kahit maliit para sa iyong savings, ang simpleng paglista sa notebook na isusulat ang gastusin ay unang step para maging wise sa iyong kaperahan.
- Latest