12 paniniwalang tsino tungkol sa kamay
1. Maliit na tao pero malaki o malapad ang palad.—pera ang mahalaga sa buhay at magaling humawak ng pera.
2. Malaman ang buong kamay—maabilidad at mabilis kumita ng pera.
3. Butuhan ang kamay—nahihirapang maghanap ng pagkakakitaan.
4. Matigas na kamay—may katangahan.
5. Mamula-mulang palad—marami ang humahanga at nasa kapalaran na humawak ng mataas na posisyon.
6. Kung ang buntis ay may namumulang palad; may maninipis at pinong ugat na kulay violet at malalaking kuko-lalaki ang kanyang ipinagbubuntis.
7. Babae ang ipinagbubuntis kung nagkukulay grey ang kanyang palad.
8. Kung light bluish ang palad—walang kinatatakutan at bihirang mag-worry sa buhay.
9. Kung light yellow ang palad—makakamtan ang kaligayahan at karangalan.
10. Kung lalaki at makinis at pino ang balat ng kamay—makakamtan ang magandang kapalaran at mataas na posisyon ang nakatakdang hawakan.
11. Ang palad at likod ng kamay ay parehong nagkukulay rosas—magandang kalusugan at masuwerteng buhay.
12. Mas maitim ang likod ng kamay kaysa palad-malaki ang tsansang yumaman.
- Latest