Golden Rule ng mga Anak
Sa survey ng Harvard University, mas pinahahalagahan ngayon ng mga kabataan ang personal achievement kaysa sa pagbibigay malasakit sa komunidad.
Siyempre gusto ng magulang na maging matagumpay ang mga anak. Pero kung ang indibidwal na anak na mas inuuna ang self-interest na ayon sa research, nagbubunga ito ng pangit na behavior gaya ng pagiging makasarili, hindi honest, kawalan ng respeto, at iba pang negatibong pag-uugali; kaysa sa pagiging mabuti, mabait, patas sa lahat, at marunong makipagkapwa tao.
Babalik pa rin sa golden rule na pagtuturo sa mga anak na tratuhin ang ibang tao, sa gustong trato na ibabalik sa iyo. Ituro sa bata ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa na buhayin ang pagiging makabayan, may malasakit, at handang mag-abot ng tulong para sa lipunan na nagsisimula sa tahanan, eskuwelahan, at komunidad.
- Latest