Bloated na pakiramdam
Maraming indibidwal na halos 75% – 90% ay nakararanas na feeling bloated. Alamin ang mga dahilan kung bakit naninigas ang tiyan gaya ng pagkadismaya, naaalibadbaran, naiinis, natatakot kung ano ang kakainin? Hindi komportable, nahihiya, nababalisa, gassy ang pakiramdam, mabigat ang tiyan, at bundat. Sounds familiar ‘di ba? Well hindi ka nag-iisa. Ang bloated na pakiramdam ay karaniwang reklamo dahil sa problema sa digestion mula sa mga komplikadong dahilan. Paniwala ng mga scientists ito ay dahil sa gut microflora imbalance o mayroong bacteria na tumutubo sa small intestine. Visceral hypersensitivity na bloated na hindi namamalayan. Gut motility at psychological distress.
Ang bloating ay mula sa sobrang gas production, intestinal gas build-up, gut bacteria, at iba pang dahilan na tinatanggihan ng small intestine ang trillion ng bacteria na nakatira sa gut area. May mga pagkain na inaakalang healthy food pero puwedeng pagmulan ng bloating. Tulad ng apple, avocado, broccoli, cherries, repolyo, cauliflower, prunes, at iba pa. Kung bad ang mga nasabing food para sa iyo ay may choice na maghanap ng ibang healthy na pagkain lalo na kung mahina ang sikmura. Kahit maraming pagkain na puwedeng dahilan ng bloating na pakiramdam, may food tolerance pa rin na puwedeng kainin para sa mahina ang digestion.
- Latest