Na-stroke habang nakikipagtalik!
Na-stroke ang 44-year-old na babae na tiga-west London habang nakikipag-oral sex sa kanyang partner.
Ayon sa report, malapit na raw sa climax ang nasabing babae nang mahimatay ito sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik.
Isinugod siya agad sa ospital at doon napag-alaman ng mga doktor na naputukan na pala siya ng blood vessel o daluyan ng dugo sa loob ng kanyang bungo.
Ayon pa sa medics, nakaramdam na raw ito ng sakit ng ulo habang nakikipagtalik, at halos tatlong minuto itong walang malay.
Ayon sa kanyang partner, napansin daw nito na naninigas na ang katawan ng kanyang nobya.
Nangyayari raw ang stroke kapag may nakabara sa isang area ng utak at ayon sa medics, inakala raw nila na magse-seizure ito pero nakita sa CT scans nito na may namuo nang dugo sa pagitan ng kanyang bungo at utak, dahilan talaga para siya ay ma-stroke.
Na-diagnosed nila ito ng subarachnoid hemorrhage – isang hindi pangkaraniwang pagdurugo sa utak, pero ito raw ay sobrang liit lang.
Bukod sa pagtaas ng kanyang blood pressure, umamin ang babae na siya raw ay regular smoker, madalas uminom, hikain at nagkaroon na ng Malaria sa kanyang utak noong siya ay nasa 20’s pa lamang. Pero hindi naman daw ito ang dahilan mismo ng kanyang pagkaka-stroke.
Kasalukuyan na siyang nagpapagaling sa ospital para maka-recover.
- Latest