Kalsada sa bundok sa Switzerland
Grabe na ‘to!
Isa sa mga pinakadelikadong kalsada sa buong mundo ay matatagpuan sa Swiss Alps (isa sa sobrang tataas na bulubundukin sa buong mundo). Ang Furka Pass sa Switzerland na napanood din sa iconic movie ni James Bond noong 1964 na Goldfinger ay may taas na 2,429 m (7,969 ft) na isa sa mga matataas na kalsada sa buong Europa.
Ang nasabing lugar ay may magandang tanawin pero talagang delikado at nakamamatay dahil hindi madaling magmaneho sa mga kurba nito lalo na sa unang section nito. Mahirap din itong daanan kapag madilim at maulan. Isinasara ang kalsada tuwing winter at kung hindi ito natanggalan ng snow.
Pero kung mahilig kayo sa thrill at sa magandang tanawin siguradong mag-i-enjoy kayo sa pagdaan sa delikadong kalsadang ito sa Switzerland. Kailangan lang maging maingat sa pagmamaneho dahil siguradong lalag kayo sa bangin.
- Latest