^

Para Malibang

Paglala ng Acne May Konek sa Tsokolate?!

BURP - Koko - Pang-masa

Mahilig ka ba sa tsokolate? ‘Yung tipong halos araw-arawin mo ang pagkain nito? Pansin mo bang lumalala ang mga pimple mo ‘pag lumalantak ng tsokolate? Kung oo ang sagot mo sa lahat ng katanungang iyon, ito’y dahil may relasyon ang pagkain ng tsokolate sa paglala ng acne! Oo, tama ang nabasa mo.

Sa isang pag-aaral na ginawa sa mga kalalakihang may edad 18-35 na may mild acne kung saan pinakain sila ng tsokolate, lumala ang kanilang acne matapos ang isang linggo. Ano kaya ang hitsura ng mga lala­king ‘yun pagkatapos ng pagsusuri? Hmmmm, pero balik tayo sa tsokolate.

‘Wag naman mag-alala dahil ayon kay Dr. William Danby, makaaapekto lang ang pagkain ng tsokolate kung may acne ka na.

Kung wala naman ay hindi ito magiging problema. Isa pang magandang balita, sa isa rin pagsusuri na ginawa ay walang epek­to ang pagkain ng dairy-free chocolate o ‘yung gawa sa purong cacao lang.

Kaya magbunyi ang mga mahihilig sa tsokolate kahit maraming pimples.

Tandaan lang na basta dairy-free ang tsokolate na kakainin ay hindi ka mag-aalala. Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pag­luluto, maaaring mag-email sa [email protected].

ACNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with