Pusa, ‘tumulong’ sa murder case
Taong 1994 nang niyanig ang Prince Edward Island, maliit na islang matatagpuan sa Canada.
Nawala ang 32-taong-gulang na si Shirley Duaguay at buwan ang inabot bago matagpuan ang kanyang bangkay.
Marami ang naniniwalang ang may kagagawan ng nasabing krimen ay ang kanyang mister na mapanakit. Marami kasi ang nakakakita at nakakarinig ng pag-aaway ng mag-asawa. Ganun pa man, walang sapat at matibay na ebidensya para makulong ang suspect.
Ilang buwan ang lumipas nang may makakita ng isang bag sa kagubatan na naglalaman ng damit na duguan, sapatos, at jacket na may balahibo ng pusa.
May alagang pusa ang mister ni Shirley na si Douglas Beamis na nagngangalang Snowball. Nagsagawa ng DNA test ang geneticist sa United Cancer Institute at nag-match ang natagpuang balahibo ng pusa sa damit na duguan sa balahibo ni Snowball.
Sapat na itong ebidensya para makulong si Douglas.
Ito ang kauna-unahang non-human DNA na ginamit upang malutas ang isang murder case.
- Latest