Pampabata ng hitsura
1. Citrus – Magandang pagkunan ng Vitamin C ang citrus fruits tulad ng calamsi, lemon, oranges at iba pa. Nakatutulong ito upang mabawasan ang cholesterol at uric acid sa ating dugo.
Nakakatulong ito na mag-prevent ng circulatory problems, heart conditions, at sakit gaya ng gout na pasakit sa mga matatanda.
2. Avocado – Marami ang nagsasabi na nakakapagpataba ang Avocado dahil sa mataas na fat content nito. Pero katunayan, ang fats na makikita sa Avocado ay healthy. Nakakapagpababa rin ito ng cholesterol basta’t tamang dami lamang ang inyong makokonsumo. Mataas din ang taglay na vitamin C, potassium, antioxidant at mayaman sa folic acid.
3. Carrot – Ang gulay na ito ay kilalang nakakapagprotekta sa ating mga mata dahil sa taglay nitong beta-carotene. Nakatutulong ito sa retina ng ating mata para gumana ito ng maayos.
Pinuprotektahan din nito ang ating balat sa maagang pagkakaroon ng mga kulubot.
- Latest