Competitive Spirit ng Anak
Lahat ng bata ay gustong nakakarinig ng magandang kuwento. Maraming benepisyo kapag nakikinig ng good stories bukod pa sa nalilikhang bonding sa pagitan ng magulang at mga anak.
Napapalawak ang vocabulary at napapaganda ang imagination skills ng bata. Habang nade-develop ang reading skills ng bata ay natutunan nitong maging avid readers sa kanyang buhay na isang magandang goals para sa anak.
Nahahamon din ang anak sa sarili nitong interest na puwede sa physical o mental na aspeto. Napupukaw ang hilig sa sports na mapa-basketball, swimming, tennis, chess karate, kahit ang pag-painting, at iba pa na lumalabas ang pagiging athletics ng anak.
Kapag na-detect ang totoong talent ng isang area ng anak, encourage itong i-develop. Ang talent sa competitive na sport ay puwedeng mahasa sa pagsali nito sa mga laro o liga. Tumataas ang pagkatuto ng anak sa proseso ng kompitisyon, pagkatalo, at pagkapanalo.
Sa murang edad ay dapat matutunan ng anak ang pagkakaroon ng competitive spirit na ang pagkatalo ay natural na bahagi lamang ng buhay. Ito ay kailangang tingnan bilang learning at experience na mahamon ang anak na gawin ang best sa susunod sa pag-abot ng kanyang mas mataas na goals.
- Latest