Pangontra sa Sunburn
Papalapit na naman ang summer at isa sa kinakaharap na problema ng mahihilig sa beach ay ang sunburn.
Hitik ang suka (apple cider vinegar) sa antioxidants na panlaban sa free radicals maging sa bacterial at fungal infections.
Nare-restore rin ang pH level sa ating balat sa tulong ng suka.
Kumuha lang ng malinis na spray bottle ay maglagay ng suka at malinis na tubig. I-spray ito sa affected area at hayaang matuyo.
Normally, natutuyo ang suka sa loob ng dalawa hanggang tatlong minute. Agad na mararamdaman ang cooling at relaxing sensation pagkatapos nito.
Maaaring ulitin ang nasabing procedure pagkatapos ng limang oras para mawala ang burning sensation at gumaling ng mabilis ang inyong sunburn.
Huwag kalilimutang uminom ng maraming tubig at iwasan ang pagbababad sa araw.
- Latest