May plano ka bang mangibang bansa?
“Oo naman. Syempre, hindi naman nakakabuhay ang trabaho rito. Sa totoo lang, matagal ko na rin pinag-iisipan yan kasi syempre pag nasa ibang bansa ka, mas makakaipon ka. Single naman ako eh. Wala ako maiiwan dito kundi yung mga magulang ko.” - Arnold
“Siguro, pero depende po. Mas gusto ko sana yung kada-taon umuuwi ako. Sana kapag nakakita ako ng ganung kontrata, kasi ngayon at least two years ang kontrata. Sana po makahanap. Mahirap kasi malayo sa pamilya lalo na kung may maliit kang anak.” - Joel
“Hindi... kuntento na ako sa buhay ko rito sa Pilipinas. Actually, hindi naman ako naghahangad ng bonggang buhay. Hindi naman kami naghihirap. Kaya okay lang na rito lang kami sa ‘Pinas.” - Bunny
“Depende... Kasi may pamilya na ako. May dalawa akong anak at yung misis ko ay nagtatrabaho. Saka ko na lamang yan iisipin kapag hirap na akong buhayin sila. Sa ngayon kasi nakaka-survive pa kami. Maganda ang takbo ng career namin. Saka bata pa ang mga anak ko.”
“Ok. Mas mabilis ang kitaan doon. Mas okay yun. Mabibigay ko agad ang pangangailangan ng pamilya ko.” - Jawo
- Latest