May plano ka bang mangibang bansa?
* Oo gusto kong mag-abroad. Dito mababa ang suweldo. Daming corrupt. Kung hindi ba naman sana ay hindi naghihirap ang ‘Pinas. Dalawa na ang trabaho ko, pero kulang pa rin ang kinikita ko para sa dalawang anak lalo’t single mother ako. – Kia, Malabon
* Hindi rito lang ako sa ‘Pinas. Kailangan mo lang naman matutunan na maging kuntento kung anong meron ka. Kung tutuusin mayaman ang bansa natin. Pero anong magagawa natin unfair ang buhay na dapat masanay. Pero hindi mo puwedeng laging isisi na lang ang lahat sa gobyerno o ibang tao. Make your own happiness. Happy pa ako kasama ang pamilya ko. – Jessie, Makati
* Gustuhin ko man mag-abroad, pero hindi ko kayang iwanan ang tatay kong may alzheimer. Ang pera kikitain pa yan. Pero yung oras na makasama at maaalagaan ang tatay ko ay walang katumbas na halaga. – Marivic, Zambales
* Sino bang gustong mawalay sa pamilya mo? Pero iniisip ko ang pag-alis ko ay para sa mas magandang kinabukasan para sa mga anak ko. – Bechay, Leyte
* Hindi ako nagsisisi na nag-abroad ako. Ngayon kasama ko na si mommy rito sa California. Libre ang gamot niya kahit maospital siya. Meron pa siyang pension hindi ako takot kung ano mangyari para sa nanay ko. Happy ko nadala ko siya sa U.S. mas tahimik. – Carol, California
- Latest