Misis na hayahay ang buhay gusto pang magtrabaho
Dear Vanezza,
Nandito ako sa Canada, pinakasalan ako ng ka-chat kong na na-meet ko sa online. Kasama ko ang dalawa kong anak na pinag-aaral ng Canadian husband ko. Ang problema ay ayaw niya akong magtrabaho dahil malaki ang pension niya bilang retired na siya sa pagtatrabaho. Bagama’t sagot niya lahat ng gastos at pag-aaral ng anak ko sa una kong napangasawa sa ‘Pinas. Ang problema ay wala akong sariling pera. Hindi ko magawang magpadala sa mga magulang at kapatid ko dahil wala akong trabaho. Iba ang kultura ng mister ko na hindi tumutulong ng pera sa kanyang pamilya dahil may sarili silang kanya-kanyang pera. Ano ba ang gagawin ko? – Lorna
Dear Lorna,
Masuwerte ka na hindi mo na kailangang magtrabaho. Puwede namang manghingi sa msiter mo kung may kailangang kang bilhin. Ipaliwanag sa iyong pamilya na iba ang kultura ng mister mo. Upang hindi na rin umaasa sa iyo ang mga kapatid mo. Hayaan sila muna ang mag-asikaso sa iyong magulang. Upang matutong magbanat ng buto ang mga kapatid mo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest