BF Takot Mauntog ang GF
Dear Vanezza,
May gf ako. Maganda siya at marami ang nagsasabi na parang artista. Kaso pinagtitinginan kami ng mga tao. Kasi, pangit po ako, maitim, at kulang sa height na nai-insecure ako. Natatakot ako na mauntog ang GF ko na baka maghanap ng gwapo. Ano ang dapat kong gawin? - Mike
Dear Mike,
Hindi importante ang tingin ng ibang tao. Ang mahalaga’y mahal ka ng nobya mo at tanggap niya anuman ang iyong “kapintasan” kaya ‘wag mong masyadong problemahin ang iyong itsura dahil tiyak sa paningin ng GF mo ay ikaw ang pinakagwapo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest