^

Para Malibang

Bawal sa Kutis!

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ayon sa skincare expert na si Michaella Bolder, ang pag-inom ng alak ay isa sa pinakamabigat na kasalanang magagawa mo sa iyong kutis.

Marami kasing side effect ang pag-inom ng alak dahil nagpo-promote ito ng hormone disruption dahilan para ikaw ay magka-acne. Bukod dito ay pinahihina rin nito ang iyong immune system. Nade-dehydrate rin ang iyong balat sa pag-inom nito.

Isa rin ang palagiang pagkain ng dairy pro­ducts sa mga dahilan kung bakit laging oily ang iyong muk­ha at maging prone sa acne.

Ayon pa sa ilang beauty expert, kailangang iwasan ang pagkain ng breakfast cereals dahil hitik ito sa asukal at ang ilan ay hindi rin totoong all natural. Katunayan, ang ilan sa mga breakfast cereals na ating mabibili sa mga grocery ay mayroong GMO ingredient na siyang dahilan sa pangangati ng balat at pagsumpong ng acne.

Isa rin sa mga pagkaing dapat iwasan ay ang processed meats gaya ng ham, bacon, hotdog, sausage, tocino, at kung anu-ano pa. Ito ang dahilan kung tayo hitsurang namamanas at dahil ito sa rami ng asin ng processed meats.

May nitrites din ang mga ito na siyang sumisira sa collagen at elastin ng ating balat kaya sinuman ang mahilig na kumain ng processed meat ay mas mabilis na tatanda ang hitsura.

KUTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with