Kape at olive oil para sa cellulite
Pampawala ng cellulite o ‘yung taba-taba na madalas na nakikita sa ating mga hita ang pinaghalong kape at olive oil.
Tunawin lang ang ½ tasa ng kape sa dalawang kutsarita ng olive oil. Ipahid ito sa buong hita at balutan ng plastic. Gawin ito ng 2-3 tatlong beses sa isang linggo.
Para sa puffy eyes o namumugtong mga mata, ang puti ng itlog ang solusyon.
Ihiwalay lang ang egg whites at haluin ito hanggang maging foam ang hitsura. Ilagay sa puffy eyes ng 15 minuto at banlawan.
Maaari rin maglagay ng kutsara sa freezer at ilagay sa mata para ma-relax.
Ang pinagsamang oatmeal at lemon juice ay magandang ilagay sa mukha bilang exfoliator. Makatutulong itong alisin ang deadskin sa mukha na siyang magbibigay ng glowing at mas healthy na kutis.
- Latest