^

Para Malibang

Pelikulang may sumpa, isa-isang namatay ang mga cast!

MRYOSO - Pang-masa

Ang Poltergeist ay isa sa mga pelikulang itinuturing na may sumpa diumano.

Ayon sa kuwento, ma­tapos itong gawin, na­ging sunud-sunod na ang pagkamatay ng mga artistang involved sa nasabing pelikula.

Unang naging biktima ng sumpa ang American actress na si Dominique Dunne na unang napanood sa unang parte ng Poltergeist, ito rin ang nagpasikat sa kanya. 

Sa edad na 22 ay namatay si Dunne sa kadahila­nang na-murder siya ng sariling nobyo.

Ang aktor at direktor naman na si Julian Beck na gumanap bilang pari na si Henry Kane sa pangalawang parte ay namatay sa cancer sa bituka noong 1985. Sa taong din iyon namatay ang aktor na si Will Sampson na gumanap naman bilang Taylor sa pangalawang bahagi pa rin ng pelikula. Post-operative kidney failure ang kanyang ikinamatay.

Ganunpaman, sa lahat ng mga pagkamatay na nangyari, nanatiling buhay ang pinakabida ng Poltergeist na si Heather O’Rourke na lumabas sa una, pangalawa at pangat­long parte ng pelikula - ‘yun ang akala ng lahat.

Ang pagkamatay ni O’Rourke ang sinasabing pinakamalala sa mga nangyari sa mga kasama niya.
Habang nagsu-shooting ito para sa final film, big­la na lamang itong nakaramdam ng matin­ding sakit ng tiyan. Hindi niya muna ito ininda pero agad na rin siyang isinugod sa ospital pagkatapos.
Nang siya ay makalabas na at maka-recover, bigla naman itong inatake sa puso kung saan kinaila­ngan siyang operahan.
Nagkaroon ng septic shock si O’Rourke, isang uri ng komplikasyon kung saan bumabagsak ang immune system ng isang tao, dahilan para kumalat ang inflammation o pamamaga sa buong katawan.

Hindi natapos ni O’Rourke ang huling parte ng Poltergeist kaya gumamit na lang ng double.
Namatay siya sa edad na 12 habang inooperahan.

CAST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with