Paboritong tradisyon ngayong kapaskuhan!
“Ang pinakapaborito kong tradisyon nating mga Pinoy sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay walang iba kundi ang pangangaroling. Ito na ang kinalakihan ko. Bata palang kami ng mga kaibigan ko ay ito na ang inaabangan namin kasi hindi ka lang basta nakakapag-ipon. Mas nagiging close ka pa sa mga kaibigan mo.” - Rainier, Tondo
“Marami pero ang number one para sa akin ay yung bibingka at puto bumbong. Ito ang paborito kong kainin. Saka inaabangan talaga namin to ng misis ko. Hehehe.” - Tom, Fairview
“Syempre walang iba kundi ang Simbang Gabi. Matupad man ang wish o hindi, ang importante ay nakapaglaan ka ng oras mo sa loob ng siyam na araw para kay Jesus.” - Christian, Muntinlupa
“Yung parol po. Lumaki kasi ako sa lola ko sa Sta. Mesa. May maliit po kaming negosyo na pagawaan ng parol kaya isa po yun sa mga childhood memories ko sa tuwing sasapit ang Christmas time. Saka nung nasa elementary po kami isa yung paggawa ng parol sa mga contest na talagang paborito kong gawin. Masaya po kami saka mas nae-enhance ang camaraderie ninyong magkakaklase.” - Vincent, Bulacan
“Yung kakaibang pagbibigayan. Kumbaga parang lahat ng tao, mabait sayo, ngingitian ka. Hindi pa Pasko pero may manlilibre na sayo. Yung mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sayo. Ayun ang inaabangan tuwing Kapaskuhan.” - Leo, Laguna
- Latest