Holiday allergies
Ang ibang tao ay nakararanas ng holiday allergies.
Dahil sa allergic mula sa mga puno, pollen, alikabok, at sobrang ginaw.
Ang ibang puno ay mayroong microscopic mold spores na nagpapa-trigger sa pagbahing at makating ilong ng indibiwal.
Kung madaling ma-allergy puwedeng sundin ang ilang tips ngayong holiday.
1. Umiwas sa mapupunong lugar.
2. Kung gagawa ng Christmas tree ay hayaan itong matuyo at pagpagin bago ipasok sa loob ng bahay.
3. Huwag ipasok ang sapatos at hubarin agad ang suot na damit.
4. Isara ang bintana upang hindi pumasok ang alikabok o pollen mula sa mga puno.
5. Laging magdala ng nasal spray na nakatutulong malinis ang allergens.
6. Kung walang spray ay magmumog ng maligamgam na tubig na lagyan ng tubig.
7. Kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa vitamin C at ibang nutrients na may compounds na malakas na panlaban sa mga virus o germs.
- Latest