Trahedya sa paningin ng indibidwal
Maaaring mayroong struggle na hindi maintindihan sa particular na sakit ng kalooban na nag-iisip kung bakit hinahayaan ng Panginoon na mangyayari sa iyo ang isang bagay. Ilang libong beses na katanungan ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan. Kadalasan ang tanong ay “bakit?” Gustuhin mang magtiwala sa mga kabutihan at biyaya ng Diyos, pero sa kalooban, nandoon na parang pinabayaan at pinagkanulo ka.
Tandaan, na pinahintulutan ng Panginoon ang mga mahihirap na problema sa iyong buhay. Puwede namang harangin ng Diyos, pero niloob pa rin Niya. Maraming katanungan na hindi masagot o mahanapan ng solusyon.
Puwede ang nararanasang pighati ay dahil sa pagpanaw ng iyong mahal sa buhay. Ang sakit ng paglisan ng loved one ay hindi alam kung kakayaning pasanin ito. Lalo na kung siya ang nagpapasaya sa iyong puso at yumayakap. Mas mahal mo ang namayapa higit pa sa sarili. Pero biglang dumating ang masaklap na balita sa hindi inaasahang aksidente. Wala na ang mahal na pamilya. Ang layunin ng kanyang kamatayan ay nanatiling misteryo.
Maaaring ang sakit ay dahil sa rejection na nararanasan mula sa mister. Yung nahuli mo si mister na nangloloko. Marami pang hindi maipaliwanag na moment na nagbibigay sakit sa kalooban. Halos drum na ang naiyak na gusto nang sumuko.
Maraming pinanggagalingan nang hinagpis ng puso. May iba pang milyong scenario, importante na maintindihan ang value system ng Panginoon na kakaiba sa ating iniisip. Sa mata ng tao ang kamatayan ay final tradedy o kabiguan. Pero sa harap ng Diyos ang problema at paglisan ng mahal sa buhay ay laging tama sa plano at desisyon ng Maykapal.
- Latest