Pagkadismaya ng Anak
Kung ang anak ay may tendency na matalo ng kanyang pagkadismaya, tulungan ang bata na mas maging optimistic.
Sa halip na gatungan at makisimpatya sa anak, mag-offer ng assurance na tumingin ang bata sa bright side nang nangyaring sitwasyon. Hamunin ang anak na mag-isip ng specific na paraan upang ma-improve ang kalagayan at mapalapit sa kanyang goals.
Kung behind ang anak sa reading o math subject, ipaliwanag na ang bawat isa ay natututo sa sarili nitong kakayahan at abilidad.
Kung sakaling lumagpag ang anak sa second honor ay huwag nang magalit o bigyan pa ng pressure ang anak, kung bakit siya naungusan, naging kulelat, o talagang walang place.
Bagkus ay i-encourage ito na magsimula muli, i-challenge na ibaling ang kanyang pagkadismaya bilang stepping stones na magplano muli na gawin ang kanyang part next time.
- Latest