Ginawang dakilang yaya
Dear Vanezza,
Nakapisan ako sa bahay ng tito ko na ang promise ng misis niya ay pag-aaralin ako ng college. Pero isang taon na ang lumipas ay hindi naman ako ipinasok sa kahit anong school. Ginawa lamang akong dakilang yaya ng mga anak nila. Hindi rin ako binibigyan ng suweldo o allowance. Gusto ko na talagang mag-aral kahit pa maging working student ako. Ano ba ang gagawin ko? – Juliet
Dear Juliet,
Magpaalam ka nang maayos na aalis sa kanilang bahay. Sabihin ang iyong plano para magkaroon ka pa rin ng pabor sa iyong tito. Pero siguraduhin munang mayroon kang mapapasukang trabaho. Para unti-unti mong matupad ang iyong pangarap na makapag-aral. Huwag kang sumuko at magtiyaga hanggang makatapos sa kolehiyo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest