Aloe Vera Gel
Tinawag na “plant of immortality” ng mga sinaunang Egyptian ang aloe vera dahil sa ‘di mabilang na benepisyo nito sa ating katawan.
Simula noon, ginagamit ang aloe vera sa ilang medicinal purposes at ito ang nangunguna sa pagpapagaling ng sunburn.
Ang aloe vera ay isang cactus plant na kabilang sa Liliaceae family. Nabubuhay ito sa mga tuyong klima tulad ng Africa, India, at iba pang Asian countries tulad ng Pilipinas.
Bukod sa sunburn, epektibo rin ang aloe sa pagpapalambot ng balat. Ginagamit ito ng ilang make up artist bilang primer, ang unang nilalagay bago ang make up para hindi mag-dry ang kutis.
Sagana rin ang aloe vera gel sa dalawang klase ng hormones: Auxin at Gibberellins. Nakatutulong ang nasabing hormones para gumaling at hindi mamaga ang mga taghiyawat.
Ayon din sa ilang pag-aaral, nakatutulong ang aloe vera gel para mawala ang appearance ng stretch mark. Ang stretch mark ay maaaring dulot ng panganganak at sobrang pagtaba at pagpayat.
- Latest