Lalaki tinubuan ng dibdib dahil sa kakainom ng soy milk
Isang lalaki sa London ang nagreklamo sa isang soy milk company at nagbantang kakasuhan niya ang mga ito. Lumaki raw kasi diumano ang kanyang hinaharap dahil sa pag-inom niya ng produkto ng nasabing kumpanya.
Kamakailan lang kasi ay na-diagnosed ang lalaki na siya ay lactose intolerant at kailangan niya nang tigilan ang pag-inom ng gatas kaya inirekomenda sa kanya na soy milk na lang ang inumin sa halip na gatas.
Sinunod naman niya ang payo nito pero marami ang nagbago sa kanyang hormones.
“At first all was well, but after a few months, I noticed my breast were growing and my nipples started pointing out, like those of a pubescent girl,” he told reporters.
“My sexual desire disappeared.”
“My penis—I won’t say it atrophied, but it was so flaccid that it looked very small in comparison with the way it used to be. Even my emotions changed,” pagbabahagi niya.
Ipinaliwanag ng doktor na nagkaroon lamang siya ng gynecomastia o non-cancerous na paglaki ng tissue sa dibdib.
Ayon sa kanya, bumalik na siya sa dati nang tigilan niya na ang pag-inom nito.
- Latest