Mga pagkaing nabubulok sa refrigerator
Basil - Mabilis mangitim ang dahon ng herb na ito kapag inilagay sa temperaturang mas mababa sa 40 degrees Fahrenheit. Para tumagal ang buhay, ilagay sa tubig ang tangkay ng basil. Para rin itong bulaklak na kailangang ilagay sa vase para tumagal ang buhay.
Patatas - Kapag inilagay sa ref ay mako-convert ang potato starch sa sugars. Mas mainam kung ilalagay ito sa paper bag na may butas para madaanan ng hangin.
Sibuyas - Tulad ng patatas, mas tatagal ang buhay ng sibuyas kung ilalagay sa paper bag na mayroong mga butas. Ganun oa man, hindi sila pwedeng pagsamahin dahil ang sibuyas ay naglalabas ng amoy at moisture na pwedeng ikabulok ng patatas.
Hot sauce - Mababawasan ang anghang nito kapag inilagay sa ref. Mas mainam kung itatambak ang hot sauce sa pantry.
Bawang - Mabilis din masira ang bawang kapag ito ay inilagay sa ref. Mas mabuti kung ilalagay ito sa container kung saan makakasingaw ang hangin.
- Latest