Presyo ng kapatawaran
Mayroong mister ang nagpa-advertise ng full page sa isang newspaper sa U.S. na nakalagay na “Please believe the words in my letter. They are true from my heart. I can only hope you will give me the chance to prove my unending love for you. Life without you is empty and meaningless.” Ang full page ay nagkakahalaga ng $17,000 advertisement na nanghihingi ng patawad sa kanyang misis.
Ayon sa mister, ang kanyang misis sa 17 years na niyang kapiling ay iniwanan siya two weeks nang umalis ito bago siya nagpaanunsyo sa diyaro na hindi alam na nagpunta sa mga biyenan nito ang asawa na ‘di niya mahanap. Nagpalit din ng cell phone number si misis kung kaya hindi siya makontak ni mister. Pero ang mga kamag-anak ni misis ang nagsabi tungkol sa malaking ads, pero nagkulong sa kuwarto si misis na nag-iiyak.
Walang nakakaalam ng kanilang pinag-awayan gaya ng ibang mag-asawa. Ang relasyon na pinagsama ang dalawang puso para maging isang laman. Ang pag-iwan at paglayo ng isang partner ay masakit sa damdamin kahit pa sabihing pansamantala lamang. Parang winawasak ang kalooban, hindi makapag-isip, at hindi rin ma-enjoy ang sarili. Kaya ang marriage ay dapat may puwang ang awa at pagpapatawad na dapat ay regular na hinihingi at pinagkakaloob. Magbigayan, tanggapin, at yakapin ang pagkakamali. Wala nang hinihiling pa ang asawa kundi bigyan siya ng kapatawaran sa kanyang kahinaan upang mabuo muli ang pagsasama. Makakatipid pa ng $17,000, sakit ng ulo at damdamin kung hihingi agad ng awa na magbabago na upang maging maayos ang pamilya.
- Latest