Babae itinuturing nang anak ang mga alagang ipis
Isang 37-year-old pharmacy employee na mula sa China ang sinasabing may alaga na ipis na umaabot sa mahigit 100,000 ang bilang.
Sa tabi ng kanyang bahay kung saan may kakahuyan matatagpuan ang breeding ground ng kanyang mga alaga. Ayon sa kanya, nakakagaling daw ang mga ito sa kahit anong sakit kaya naman naisipan niyang gamitin ito sa pagpapagaling. Iniipon niya ang mga ito saka didikdikin, patutuyuin at ibebenta sa iba’t ibang probinsya. Parang anak na rin daw ang turing niya sa mga naturang insekto.
Palmetto Bug ang tawag sa uri ng ipis na ito na madalas makita sa mga basang sulok. Mahilig silang kumain ng starch at matatamis.
Dahil sa pagbi-breed niya ng ganitong uri ng insekto, naging instant celebrity ang nasabing babae. Marami na raw ang kumontak sa kanya para magpaturo kung papaano mag-breed, ang iba pa nga ay dinadayo pa siya at willing magbayad sa kanyang tutorial.
- Latest